![]() |
I LOVE YOU
Nauuna ang “I” kaysa sa “YOU” sa word na “I LOVE YOU”.That means unahin mo munang mahalin ang sarli mo bago ang ibang tao.
Minsan sa sobrang pagmamahal natin nakakalimutan natin ang ating sarili.Mas binibigyan pa natin ng higit na importansya ang taong sa tingin at pakiramdam natin ay mahal tayo.
Kaya bago mo sambitin ang salitang "I LOVE YOU" just ask yourself first "Do I love myself"? Sapagkat kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo sino pa kaya ang magmamahal at tatanggap sa iyo?
Sapagkat sa kasalukuyang panahon marami na ang napapariwara dahil sa PAG-IBIG dahil ang akala nila pag sinabihan na sila ng guy o girl ng "I LOVE YOU" ay mahal na talaga siya, nandiyan na yung kilig to the max, hindi mapakali, makatulog, makakain, takas effect sa parents to see him or her, atbp., minsan ito din ang nagiging dahilan o kapahamakan ng isang tao, dahil kapag iniwan siya ng taong sa tingin niya ay mahal siya ay nagpapakamatay, naliligaw ng landas, nagdodroga, at kung ano pang masamang gawain kasi nga minahal niya ng higit pa sa kanyang buhay.
Hindi masamang magmahal ngunit magtira ka naman ng kaunti para sa iyong sarili.
![]() |
https://www.google.com.ph/search?q=tagalog+quotes+about+love